Friday, January 22, 2010

weekend na naman

Top Pictures, Images and Photos

Kamukha talaga nyan yung ex ko dati na hindi ko pa nakikita ulit. ahahaha. ambisyosa.

ang bilis talaga ng mga araw, wala naman kaming magawa. Tumataba na naman ako dahil sa tumigil kami sa pag-eexercise ng kapatid ko. Medyo nanghihina pa din ako, at mahilo-hilo, pero buhay pa naman ako. Kainis nga eh. Dapat talaga mag-exercise ng mabuti. Goal ko pa naman na gumanda ng bonggang bongga. bwahahaha... Seriously, mahirap ang masyadong malaki. Yung mga damit na maliliit na alam mong bagay dapat sa'yo ay hindi mo na maisusuot. Personal lang naman ang goal na ito, at hindi ko ito ginagawa para sa ikabubuti ng lahat (what the?) di kaya, para sa isang tao.

Totoo na nung mga nakaraang panahon na nag-eexercise kami ng kapatid ko ay medyo gumaganda ang pakiramdam ko, nagiging active na nga ako nun eh. Pahamak na dalaw yan, wrong timing. Hindi pa talaga matapos-tapos hanggang ngayon yung monthly dalaw na yan. mahigit 1 linggo na yan. Sumakit kasi talaga katawan ko nung ginagawa namin yung exercise at naghinala ako na baka nasobrahan ako, yun pala ay dalaw lang. Pahamak talaga. Nawa ay matapos na ang paghihirap kong ito. Seryosong mag-uumpisa na akong mag-diyeta at mag-exercise. Iniisip ko na hindi maganda ang magiging hitsura ko pag ako'y lumobo pa. Gusto kong pumayat tulad nitong taong ito:

TOp hairstyle Pictures, Images and Photos

yung babae ha, kahit konti lang.

Bukod sa pag-eexercise ng pisikal na pangangatawan, dapat ko na ding simulan ang pag-aaral ng kultura at salita ng mga tao dito. Kung gugustuhin ko nga namang makabili ng mga gamit dito, dapat lang na magka-trabaho. Kailangan ding mag-aral muna siyempre ng mga nakagawian nila para makahanap ng magandang trabaho. Kailangan talaga ng pasensya. Pero wala naman akong mabilhan nun dito, at mas gugustuhin ko ding iwasan yung pasensya kasi hindi ba matamis na naman iyon? Ahahay... ang buhay nga naman parang life.

Wala lang talaga akong makausap ng matino dito sa ngayon. *bow*

~*~*~*~*~

2 comments:

Anonymous said...

^ wut?

lol pasensya. corny mo na kambal ha. lol. di ka sanay mag-exercise pag may period?

at maka TOP ka pala! ame? haha

Akemi21 said...

dude, he's not ame. his name is jan. haha...

hindi dude,matagal kasi akong walang dalaw.mga 2 mos. na kaya di nasanay. lols.