Tuesday, December 15, 2009

Body clock malfunctioning

hindi pa din ako maka-adjust sa oras dito. nakakatulog naman na ako ng maayos pag gabi dito, pero madalas in the middle of my sleep ay nagigising ako. tapos medyo nahihirapang makatulog. sa umaga naman, madalas akong inaantok. sabi nung tito ko, normal lang naman na ganun for the first 2 weeks or so. pero nag-aalala ako sa katawan ko. hehe. hindi ko pa din masabi ng deretso kung anong araw ngayon, yung tipong hindi na kailangang tumingin sa kalendaryo upang alamin ito. Hays...

super asim nung ginawa kong tilapia fillet na binabad sa apple cider vinegar. wala silang datu puti sa bahay o kaya anumang sukang puti. ayun tuloy, akala ng tiyahin ko, paksiw ang ginawa ko. haha.

nililigawan ko ang lola ko, mejo mainit ata ang dugo kay dad lately dahil nalaman yung sa amilyar. si mama naman, kinausap ko na kailangang isipin nya na pamilya kaming pumunta dito at dapat kami-kami ang mag-tulungan o magdamayan. normal lang na may masabi sila sa aming pamilya pero kailangang ipakita natin na tayo'y matatag at kaya nating magsikap kahit na mahirap. konting sakripisyo at tiis lang.

natalo ang sacramento kings, pero kaya nilang makipagsabayan sa mga datihan nang manlalaro kahit na karamihan sa kanila'y baguhan pa lamang. bukas may laban na naman.

~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~

respect. it will get you through.

No comments: