Thursday, February 04, 2010

Ang Everyday Question...

Photobucket
-Kusina Diary 1-

Anong ulam ngayon? My gulay, akala ko tapos na ang aking paghihirap sa pag-iisip ng ulam for the day, hindi pa pala. Hindi pa din nagbabago ang aking role na gampanin kahit nandito na kami sa ibang pamamahay. Napatunayan ko na naman na talagang habang buhay pa ang isang tao, kumakain pa ito. In short, isa ang pagkain sa kanyang maaaring problemahin sa araw-araw. Malas mo lang kung kagaya kita na talagang naka-poste na sa kusina upang gampanan ang mga trabaho na naroroon. Hanggang sa pagtulog ay hindi ka tatantanan ng tanong na iyan, swerte mo na lang kung paggising mo ay may solusyon ka na. Mahirap magmadali at mag-imbento ng kung anu-ano, lalo na kung time-pressured ka. Hahaha. Hindi ako pwedeng pang-Iron Chef. hahaha. Pero madalas, okay naman ang isprikitik na pagkain. Nauubos naman. Yung nga lang, nakakangarag isipin ang pagkain ng paulit-ulit. Tapos, pagnakapili ka na kung ano ang lulutuin, aba'y malalaman mong may kulang ka palang rekado. *dies*

Yes! you can cook! Pictures, Images and Photos
At higit sa lahat, matapos mong pinag-isipan ng matagal, ihanda, iluto, at kung anu-ano pa, eh wala pang 5 minutese ay ubos na ang pagkain. Sarap talaga ng buhay. At least, may iniisip at niluluto pa ako, di ba?




lay down be lazy Pictures, Images and Photos

-Panahon-

Wala lang talaga akong magawa sa kasalukuyan kundi magluto at magluto, kung may mailuluto na ha. At sigurado akong sa panahon na ako'y super busy na in the future, mami-miss ko ang mga panahong kagaya nito, kaya dapat lubus-lubusin na. Sobra na ata ito eh... Ayaw ko nang umabot sa panahon na ako'y maging tamad na para kumilos...

2 comments:

Anonymous said...

kukuku. tataba ka nyan dude! naiiwan sa kusina. hehehe.

ako nung bata pa lang ako muntik na kong tumigil kumain. kasi naiisip ko ano aba naman ang tao. buong buhay niya ang kakainin niya baboy, baka, manok, kanin, isda, gulay, prutas, etc. pare-pareho lang. parang nakakasawa. kahit anong luto in the end ang raw materials ay ganun pa rin. lol.

biruin mo ilang beses kang kakain ng sinigang na baboy sa buong buhay mo? lol

Akemi21 said...

@chi: nakakatakot nga namang isipin na madaming beses kang kakain ng same food na yun. what more kung favorite mo pa yun di ba? hahaha...

@性感的我: yeah, you're right. but a little rest will be helpful from time to time.